QCitizens, tara na’t makisaya sa Chinese New Year celebration sa Banawe! ✨🎉

Hinikayat ng Quezon City Government ang QCitizens na dumalo sa tatlong araw na selebrasyon ng Chinese New Year, sa ginanap na press conference ngayong araw.

Ibinida ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna nina District 1 Rep. Arjo Atayde at Coun. Dave Valmocina, ang mga programa na dapat abangan sa Banawe, mula February 9 hanggang 11.

Ipinahayag din nina QC Tourism Department OIC Tetta Tirona, Business Permit and Licensing Department Head Margarita Santos, Transport and Traffic Management Department Head Dexter Cardenas, QCPD Director PBGen Redrico Maranan, at Public Affairs and Information Services Department Head Bert Apostol kung paano pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ang selebrasyon.

Binanggit naman nina QC Chinatown Development Foundation Inc. Chairman Mr. Charles Chen, Quezon City Association of Filipino- Chinese Businessmen, Inc. (QCAFCBI) President Mr. Joaquin Co, QCAFCBI Immediate Former President Mr. Joseph Lim Bon Huan, at kinatawan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. Mr. Wilson Flores ang preparasyon ng mga negosyo sa lugar.

QCitizens, sama-sama nating salubungin ang Year of the Wood Dragon!

+8