QCitizens, makisaya sa selebrasyon ng Chinese New Year!
Nagdaos ng press conference ang Quezon City Government upang sagutin ang mga tanong ng media para sa gaganaping pagdiriwang ng Chinese New Year sa Banawe Chinatown sa January 29, 2025.
Inihayag ni Mayor Joy Belmonte na kasabay ng selebrasyon ang paglulunsad ng mga bagong dekorasyon sa Chinatown na bahagi ng rehabilitasyong ginagawa sa Banawe bilang isang Tourism District.
Magtatanghal sa programa sina Ice Seguerra, Kyle Echarri, at Jed Madella. Makikibahagi rin ang 50 food and non-food merchants sa selebrasyon.
Sumama ang mga media at vloggers sa QC Banawe Chinatown food crawl upang masubukan ang specialties ng ilan sa mga restaurant dito.
Dumalo sa presscon sina QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. President Rorvik Cheng, at Vice President Dr. Mary Gaw So, QC Chinatown Development Foundation Inc. Chairman Charles Chen, at Secretary General Benjamin Co, QC Police District Deputy District for Operation PCol. Roman Arugay, at QC Department heads.