Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Gong Xi Fa Cai!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Chinese New Year 2026, isinagawa sa Quezon City hall ang tradisyunal na Eye dotting ceremony.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang seremonya, na sumisimbolo sa “awakening” ng lion bago ang kanilang pagtatanghal. Pinaniniwalaang magbibigay ito ng good luck para sa mga manonood, na magtataboy din sa masasamang espiritu.
Nakiisa sa pagdiriwang ang mga konsehal, mga department head, at mga opisyal ng QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc.








