MAY BAGONG BIKE TRAIL SA QC!🚴‍♀️🚴‍♂️

Sabay-sabay na pumadyak ang mga sumaling siklista sa idinaos na Chinese New Year Bike Ride event ng lokal na pamahalaan kaninang umaga.

Sa 19 kilometer na ruta mula City Hall ay nagtungo ang mga siklista sa Sheng Lian Temple, WOW Toy Museum, Welcome Rotonda, Tzu Chi Foundation, at Fil-Chi Friendship Arch na matatagpuan sa Banawe Chinatown. Sama-sama rin silang nag food crawl sa QC Food, Arts and Craft fair.

Ang bagong ruta na ito ay siguradong ligtas sa mga bikers, dahil sa mga inilagay na plant boxes bilang dagdag proteksyon sa mga gagamit nito.

Sumali rin sa bike ride sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, QC Fire District Director Sr. Supt. Flor-Ian Guerrero, Department of Public Order and Safety – Green Transport Office Chief Cora Medes, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, at mga kawani ng QC Tourism Department.

+46