HAPPY CHINESE NEW YEAR, QCitizens!
Tampok ang masasarap at katakam-takam na pagkain na made in QC sa isinagawang food bazaar sa kahabaan ng Banawe Chinatown. Bahagi ito ng mga aktibidad na inihanda ng lungsod para sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Nagkaroon din ng float parade na umikot sa Banawe Avenue kasama ang mga miyembro ng QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. (QCAFCBI) na pinangunahan ng presidente nila na si Joaquin Co. Kasama rin sa parade ang Mr. and Ms. Chinatown na sina Justin Yap at Cassandra Chan.
Iniimbitahan ng lungsod ang mga QCitizen na dumalo sa selebrasyon ng Year of the Water Rabbit sa Banawe Chinatown ngayong araw.