Kung Hei Fat Choi!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte kasama ang mga konsehal at department heads ng pamahalaang lungsod ang pagsalubong sa Chinese New Year kasabay ng flag-raising ceremony kahapon.
Nakiisa ang QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. at nagsagawa ng dragon at lion dance sa bawat opisina sa QC Hall.
Inaanyayahan ang lahat na makisaya sa pagdiriwang ng Year of the Water Rabbit sa darating na Linggo, January 22 sa P. Florentino corner Banawe Avenue.