Nagsagawa ng induction at Christmas Party ang National Board of Trustees ng Philippine Society of Mechanical Engineers, Inc (PSME) kasama ang mga miyembro nito kahapon sa Sequoia Hotel, Quezon City, na may temang “Green Christmas”.
Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si City Engineer, Atty. Dale Perral. Ipinarating ni Mayor Joy ang kanyang komendasyon at pasasalamat sa mga outgoing board of trustees sa kanilang kontribusyon para matulungan ang mga mamamayang Pilipino. Tinanggap rin niya ang mga bagong inducted officers, anuman ang kanilang mga posisyon, sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad sa larangan ng Mechanical Engineering at pagbibigay ng kontribusyon sa pag-angat nito patungo sa global recognition.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, umaasa siya sa mas malalim na kolaborasyon sa pagitan ng PSME at Quezon City Government. Handa ang lungsod na magbigay ng suporta upang makamit ang kanilang Vision bilang Ultimate Prime Mover ng Philippine Industrialization.




