It’s beginning to look a lot like Christmas sa Opus Mall!![]()
Ngayong gabi, inilawan na ang higanteng christmas tree sa Opus Mall, bilang bahagi ng kanilang selebrasyon sa kapaskuhan.
Naging kinatawan ng lokal na pamahalaan at ni Mayor Joy Belmonte sa ceremonial tree lighting sina Coun. Chuckie Antonio at Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia.
Nakiisa rin sa programa sina Coun. Tope Liquigan, at Coun. Wency Lagumbay.
Nagbigay naman ng special performances sina Ms Rachelle Ann Go, at ang Philippine Philharmonic Orchestra.








