Congratulations, CA Mike! ![]()
Binigyang-pagkilala si Quezon City Administrator Michael Victor Alimurung ng Philippine Civil Service Commission (CSC) bilang isa sa Gawad Pag-asa National Awardees sa idinaos na Pagpupugay 2025: Parangal sa mga Lingkod Bayani.
Ang naturang parangal ay iginagawad sa mga indibidwal o grupo na nagpapakita ng kahusayan sa pagpapatupad ng tungkulin at nakapaglulunsad ng mga makabuluhang inobasyon at pagbabago sa isang lokal na tanggapan, departamento, o ahensya ng gobyerno.
Pinangunahan ni CA Mike ang mga hakbang upang maging isa ang Quezon City sa mga nangunguna sa maayos at epektibong digital transformation, kabilang ang pagpapatupad ng QC e-Services na naglalayong pabilisin at padaliin ang access ng bawat QCitizen sa iba-ibang serbisyo at programa ng lokal na pamahalaan.





