Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na pagbati, CA Mike! ![]()
![]()
Kinilala si Quezon City Administrator Michael Victor Alimurung bilang isa sa Gawad Pagasa National Winners ng Philippine Civil Service Commission sa ginanap na Pagpupugay 2025: Parangal sa mga Lingkod Bayani.
Iginagawad ang parangal na ito sa mga indibidwal o grupo na mahusay magpatupad ng tungkulin at magsagawa ng mga inobasyon at pagbabago sa isang lokal na sangay, departamento, o kagawaran ng pamahalaan.
Siniguro ni CA Mike na isa ang QC sa pioneer ng maayos at epektibong digital transformation tulad ng pagpapatupad ng QC e-Services, upang mapadali at mapabilis ang proseso ng pag-apply sa mga serbisyo gaya ng Pangkabuhayang QC, Social Welfare Assistance, Scholarship Program, at iba pa.









