Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kinilala ng Quezon City Council at ng lokal na pamahalaan si City Administrator Mike Alimurung na isa sa mga National Winner ng Civil Service Commission Gawad Lingkod Bayani 2025 – Gawad Pag-asa category.
Sa flag-raising ceremony, iniabot nina Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla at Coun. Wency Lagumbay ang scroll ng City Resolution SP-10236, S-2025.
Ang City Resolution ay parangal kay CA Mike dahil sa kanyang dedikasyon sa pagseserbisyo sa mga QCitizen.
Si CA Mike ang nanguna sa digital transformation at system reforms ng lungsod, para mas maging efficient ang serbisyo-publiko at mas matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Kasama nina Konsi Aly at Konsi Wency sina Coun. Bong Liban, at Coun. Cocoy Medina.






