Idinaos kahapon ang City Cancer Challenge C/Can Stakeholders Seminar, katuwang ang Quezon City Health Department, mga health professionals, at cancer support at advocacy organizations.
Layunin ng pagtitipon na mapaayos ang cancer care pathways, matukoy ang mga gaps sa serbisyo, at palakasin ang ugnayan ng mga katuwang ng QC.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapalakas ng cancer care sa QC, kabilang ang pagpapatupad ng Integrated Cancer Control Program, cancer screening at patuloy na pagsasanay ng healthcare workers.
Nakiisa sa pagtitipon sina Ms. Paola Maldonado, Director of Global Programme Unit, Dr. Herdee Luna, City Manager ng City Cancer Challenge, at Coun. Alfred Vargas bilang mga katuwang sa pagpapalakas ng cancer care services sa QC.
Suportado ang programa ng Department of Health (DOH), DOH – Cancer Control Division, at DOH – Metro Manila Center for Health Development.
Sinisikap ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng sapat na suporta at serbisyong pangkalusugan ang mga cancer patient sa bawat hakbang ng kanilang paggaling.










