Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagtipon ang City Development Council (CDC) para talakayin ang mga prayoridad at development initiatives ng lungsod, kabilang ang mga proposed flood mitigation projects na inilahad at sinuri kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang special session, na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod, kinatawan ng barangay, at civil society organizations.
Kabilang sa mga dumalo sina City Administrator Michael Alimurung, Coun. Mari Rodriguez, District Action Officers, at mga miyembro ng CDC.
Nanumpa rin ang mga bagong opisyal ng Sub-regional City Project Monitoring Committee at Technical Working Group.










