Nasa harapan ng National Housing Authority ang dalawang bus ng City General Services Department bilang karagdagang libreng sakay ng mga maapektuhan ng transport strike.
Kasama ang mga bus ng City Hall na nakahandang magbigay serbisyo sa mga QCitizens.
Sa ngayon, normal ang daloy ng trapiko at wala pa ring naitalang stranded sa lungsod ayon sa Traffic and Transport Management Department.