Agad na ipinasara ng Pamahalaang Lungsod ang isang warehouse sa Brgy. Manresa matapos masamsam ang mahigit 20,000 units ng uncertified lead-acid batteries.
Pinangunahan ng DTI Task Force Kalasag at Fair Trade Group-Fair Trade and Enforcement Bureau (FTG-FTEB) ang operasyon, sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang mga nakumpisang lead-acid batteries ay natuklasang lumabag sa Philippine Standard License and Import Commodity Clearance at iba pang marking requirements sa ilalim ng Republic Act 4109, Executive Order 133 of 1987 at Republic Act 7394 of 1992 o Consumer Act of the Philippines.
Ang lokal na pamahalaan ay handang makipagtulungan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at patas na pagnenegosyo sa lungsod.