Dumalo bilang keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa unang araw ng City Hub and Network for Gender Equity (CHANGE) Global Summit 2026 sa Melbourne, Australia.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Joy ang iba-ibang programa at adbokasiya ng Quezon City Government kaugnay sa pagtugon sa karahasan sa kababaihan partikular ang gender-based violence.
Nakibahagi rin sa pagtitipon sina CHANGE Network Co-Directors Holly Milbourn-Smith at Leslie Crossdale, kasama ang mga kinatawan mula New York, Tokyo, Amsterdam, at Manchester.
Layon ng summit na magkaroon ng dayalogo at palitan ng kaalaman sa pagitan ng iba-ibang lungsod tungo sa pagbubuo ng mga programang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, at tumutugon sa mga isyung may kinalaman sa karahasang nakabatay sa kasarian, at kung paano mas epektibong mailalapit ng lokal na pamahalaan ang mga serbisyo nito para sa lahat.










