Isa ang Quezon City sa mga siyudad sa mundo na naimbitahan ng Asian Development Bank (ADB) at United Nations Office on Disaster Risk Resilience (UNDRR) na maging bahagi ng City-to-City Learning Forum on Developing Urban Disaster Resilience forum sa Guangxi Province of China.

Naging kinatawan ng lungsod si Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Deborah Dacanay, kung saan ibinahagi niya kung paano pinapanatiling inklusibo ang bawat programa ng QC sa disaster risk reduction and management.

Sa QC, sinasanay ang persons with disability, kabilang ang children with disability at kanilang pamilya, kung paano maging handa sa mga sakuna sa pamamagitan ng Laging Handa module. Simula noong nakaraang taon, umabot na sa 800 ang na-train sa lungsod.

Naniniwala ang QC na ang tunay na urban disaster resiliency ay makakamit sa pamamagitan ng isang komprehensibo at inklusibong aksyon, na naaayon sa kakayahan at tumutugon sa pangangailangan ng lahat.

Layon ng forum na palakasin pa ang ugnayan ng iba-ibang bansa sa mundo, at mahikayat ang pakikiisa ng mga siyudad bilang bahagi ng Making Cities Resilient 2030 (MCR 2030) initiative.

+2