Naimbitahan si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang isa sa mga Plenary Roundtable Discussion speakers sa 2022 Public Sector HR Symposium ng Civil Service Commission na may temang ” Building Resilient Organizations: Honing Agile and Future-Ready Leaders and HR Practioners”.
Ang taunang HR Symposium ay nagsisilbing venue para sa Human Resources Management Officers (HRMO’s) at mga pinuno sa pampublikong sektor upang talakayin ang mga emerging trends at best practices sa larangan ng human resource at sa pag-unlad ng organisasyon sa pampubliko at pribadong sektor.
Sumentro ang usapan sa pagiging resilient o matatag ng mga pinuno ng ahensya sa harap ng mga hamon, at sa pagbuo ng matibay na organisasyon.
Ang 2022 Public Sector HR Symposium ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Civil Service Commission.