Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagtipon ang iba-ibang Civil Society Organizations (CSOs) sa CSO Night kasama sina Mayor Joy Belmonte, Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, Councilor Bong Liban, at People’s Council of Quezon City Chairperson Brian Lu.
Isa sa mga tampok sa programa ang turnover ng Quezon City People’s Plan, na sumasalamin sa patuloy na pakikinig ng pamahalaang lungsod sa boses ng mga QCitizen at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.
Layon ng pagtitipon na isulong ang mas matatag na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan.










