Happy Civil Society Organization’s Day! 🤝

Ngayong araw ang kauna-unahang CSO day o pagtitipon ng mga accredited civil society organization ng lungsod.

Isinagawa ito ng People’s Council of Quezon City upang ipaalam sa lokal na pamahalaan ang mga nais na programa at polisiya ng CSOs na maaaring ipatupad sa Quezon City.

Naniniwala si Mayor Joy Belmonte na mahalaga ang hinaing ng mga mamamayan upang maging matagumpay ang pamumuno ng lokal na pamahalaan.

Lumagda rin ang alkalde sa Pledge of Commitment upang masiguro na kaagapay ang QC Government sa pagpapanatili ng “De-kalidad na Pamayanan.”

+17