Nagtipon ang barangay officials, city government employees, at mga miyembro ng iba-ibang sektor sa Clean Air Public Forum na inorganisa ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) sa pakikipagtulungan sa Clean Air Asia.
Layon ng forum na maitaas ang antas ng kaalaman ng mga residente at mga lider ng mga komunidad tungkol sa air pollution, mga sanhi at epekto ng hindi magandang kalidad ng hangin sa kalusugan.
Inaalam din ang suhesyon ng iba-ibang sektor para sa pagbuo ng mga makabuluhan at naaayong programa sa air quality improvement, partikular sa transport, energy, at waste.




