Pormal nang ibinahagi ng Clean Air Asia ang Air Quality Management Plan (AQMP) sa Quezon City Government.
Malugod na tinanggap nina Assistant City Administrator Alberto Kimpo, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez ang AQMP mula kay Clean Air Asia Deputy Executive Director Atty. Glynda Bathan-Baterina.
Ang AQMP ang magsisilbing manual o basehan ng lokal na pamahalaan sa pagbubuo ng nararapat na polisiya at programa para mapabuti pa ang kalidad ng hangin sa lungsod.
Nagpahayag naman ng pakikiisa sa layunin ng lungsod si Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) OIC Assistant Director Engr. Esperanza Sajul.
Tinalakay sa AQMP culminating activity ang plano at kung paano magtutulungan ang iba-ibang departamento ng QC Government, pribadong sektor, at komunidad para sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na hangin para sa mga mamamayan.