Sa patuloy na paghahanda para sa paparating na Super Typhoon #PepitoPH, nagsagawa ng cleaning at declogging activity ang Quezon City Government sa pangunguna ng Department of Engineering sa Sapphire Street, Barangay Payatas.
Layon nito na mapabuti ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha, lalo na sa mga critical areas na madalas makaapekto sa mga residente tuwing may malalakas na ulan.
Ngayong araw, matagumpay na naibalik ang 223 cubic meters ng kapasidad sa drainage system, upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng komunidad sa gitna ng paparating na bagyo.