Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ng cleaning at repainting works sa mga lugar na may vandalism upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at magandang kondisyon ng mga pampublikong lugar sa lungsod.
Kabilang sa mga isinagawang repainting works ang mga sumusunod:
* Promenade Area – Elliptical corner Quezon Avenue
* Concrete Barriers – Elliptical corner North Avenue
* Waiting Shed – Elliptical Road near Commonwealth Avenue
Paalala sa QCitizens, pangalagaan natin ang ating mga pampublikong lugar at iwasan ang vandalism upang mapanatili ang isang mas maganda at maaliwalas na Quezon City.










