Nagsagawa ng cleanup operation sa Culiat High School ang pamunuan ng paaralan, katuwang ang konseho ng Barangay Culiat upang tiyakin na malinis at ligtas ito para sa mga mag-aaral.
Kasunod ito ng pagsuspinde ng Department of Education sa mga klase sa public schools nitong October 13-14, 2025 dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng influenza-like illness, at pagtiyak kung maayos ang mga gusali kasunod ng mga sunod-sunod na lindol sa ilang bahagi ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa sakit na influenza, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/QuezonCityHealth/posts/pfbid0QenJbXevzugsJjaSKW9LhpS3hXp3RsWychQwi3qPJHARv9KtrLnRrxzfTFPvzNnBl
Kung nakararanas ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, sipon, pananakit ng katawan o matinding pagkapagod, magtungo agad sa pinakamalapit na health center para sa libreng konsultasyon at gamot.








