Nagsagawa ng fumigation at clean-up drive ang Barangay Pinyahan sa ilalim ni Kap. Ricardo Villaflor.

Inikot nila ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue, upang malinis at mag-spray ng gamot na papatay sa mga ito.

Nakiisa rin ang mga health worker ng barangay sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa dengue at kung paano ito maiiwasan.

Sa tala ng QC Health Department – Epidemiology and Surveillance Division, mahigit 5,000 na ang bilang ng kaso ng dengue sa lungsod mula January hanggang October 2024.

Paalala sa QCitizens, panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran para makaiwas sa banta ng dengue.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa dengue, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/864923305822310

+6