Habang abala ang mga QCitizen sa paggunita ng Undas ngayong araw, nagsagawa naman ng clean-up drive at fumigation ang mga tauhan ng Brgy. Vasra sa pangunguna ni Kap. Gildo Aviles.

Nilinis nila ang mga open canal at nag-spray ng pamatay-lamok sa mga lugar sa barangay na maaaring pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue.

Paalala sa QCitizens, panatilihin nating malinis ang ating paligid upang hindi ito pamugaran ng lamok at makaiwas sa banta ng dengue.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa dengue, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid02PQHdZe1taxt4iV9nTbNSYzrVzeJuCKbUpBNYtt8Wpt2VMBBfR5Pi24B4jPnxkjJel

Agad magtungo sa mga health center o ospital sakaling makaramdam ng anumang sintomas ng dengue.

+23