Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nalinis na ang mga naipong basura sa San Francisco River, West Riverside St. sa Brgy. Del Monte, sa tulong ng isinagawang cleanup drive ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City.
Patuloy ang paalala ng ating lokal na pamahalaan na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara ng mga daluyan ng tubig na maaaring magdulot ng pagbaha.
Para sa mga nais mag-request ng clean up operation sa kanilang barangay, maaaring mag email sa DSQC@quezoncity.gov.ph o magpadala ng mensahe sa Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City Facebook page.








