INFORMAL WORKERS, NANGUNA SA CLEANUP DRIVE SA MERALCO LINE CREEK
Pinangunahan ng mga informal workers mula sa Samahan ng Mangangalakal ng Erod (SAMER) ang paglilinis sa Meralco Line Creek, kung saan inalis ang mga naipong basura at mga natumbang puno na humaharang sa daluyan ng tubig.
Isinagawa ang cleanup drive sa pakikipagtulungan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC), City Engineer’s Office, Public Employment Service Office at Sentinel Company.
Taos-pusong pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa SAMER at sa buong komunidad sa kanilang sipag, malasakit, at pakikiisa. Ang inyong sama-samang pagkilos ay mahalagang ambag sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at sa paghahanda ng ating mga komunidad laban sa pagbaha.
Community Works, Stronger Communities. ![]()
![]()










