Tuluyan nang nalinis ng mga tauhan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang G. Araneta Creek sa Brgy. Talayan.
Sako-sakong basura na aabot sa tinatayang 80 tonelada ang nahakot nila sa creek.
Paalala lamang po na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig sa ating lungsod. Ito ang nagiging sanhi ng matinding pagbaha sa ilang lugar.
Para sa mga concern at request sa clean-up o paghakot ng basura, maaaring makipag-ugnayan sa DSQC:
6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D) Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage



