Para maiwasan ang pagbaha sa komunidad, inalis ang mga nakabarang lupa at putik sa mga drainage sa Motorola St. sa Doña Nicasia Subdivision sa Brgy. Commonwealth.
Ang declogging operation ay pinangunahan ng District 2 Action Office, sa pamumuno ni Atty. Enrile “Bong” Teodoro, at ng QC Engineering Department.









