Nag-ikot ang mga tauhan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of QC (DSQC) para magsagawa ng cleanup operations sa ilang lugar sa lungsod na naapektuhan ng pag-ulan bunsod ng habagat.
Kabilang sa pinuntahan ng DSQC ang Brgy. Manresa at Brgy. Damayang Lagi para linisin at hakutin ang mga basurang nagkalat dahil sa ulan at baha.




