Puspusan pa rin ang clean-up operation ng Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) sa mga kalsada sa lungsod lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng matinding pagbaha.
Kahapon ay inikot ng DSQC ang Brgy. Apolonio Samson, Brgy. Damayan Lagi, Brgy. Greater Fairview, Brgy. Katipunan, Brgy. Nagkaisang Nayon, Brgy. San Antonio, Brgy. Sta. Lucia, at Brgy. Tatalon upang mahakot ang mga naipong basura at matiyak na malinis ang mga lansangan at sidewalk.
Para sa mga concern at request sa clean-up o paghakot ng basura, maaaring makipag-ugnayan sa DSQC:
6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D) Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage




