Puspusan ang paglilinis ng mga tauhan ng Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Araneta Creek. Sangkatutak na basura na inanod sa creek ang kasalukuyan nilang hinahakot.
Paalala sa mga QCitizen, ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.
Para sa mga concern at request sa clean-up o paghakot ng basura, maaaring makipag-ugnayan sa DSQC:
6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D) Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage




