Tinitiyak ng Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) na malinis at maaliwalas ang bawat kalye sa Quezon City!

Puspusan pa rin ang clean-up operation ng DSQC sa mga lugar na binaha noong nakaraang linggo.

Kabilang dito ang San Pedro Bautista St. sa Mariblo, E. Rodriguez Avenue, at Escopa III.

Bukod dito, nakikiisa rin ang DSQC sa Brigada Eskwela ng mga paaralan na nakatakdang magbukas ng klase sa Lunes (August 5).

+4