Patuloy ang Department of Sanitation and Cleanup Works of QC (DSQC) sa pagsasagawa ng cleanup operations sa iba-ibang lugar na naapektuhan ng malakas na ulan at hangin dulot ng habagat, lalo na sa mga pangunahing kalsadang katulad ng G. Araneta Avenue.
QCitizens, may napansin ang DSQC na feel-good moment– hindi ganoon karami ang kalat at basurang ating nalilinis. ![]()
Iba talaga kapag nagtutulungan tayo sa pamamagitan ng:
* Regular na cleanup sa mga daluyang tubig at pangunahing kalsada
* Partnerships sa mga barangay para bantayan ang mga kalsada at daluyang tubig laban sa illegal dumping
* Paglipat sa mga street dwellers mula sa danger zones patungo sa mas maayos na tirahan
* Pakikipag-ugnayan ng ating Public Employment Services Office (PESO) sa mga informal settlers na nasa danger zones, partnership sa cleanups at pag-iwas sa pinsala sa kanila
Patuloy ang DSQC sa partnership efforts ng ating mga proactive QCitizens, mga barangay, at mga ahensya ng gobyerno para mapanatiling maayos ang ating lungsod. ![]()
![]()
Keep safe, everyone!










