Tuloy-tuloy ang mga tauhan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of QC (DSQC) sa pagsasagawa ng cleanup operations sa iba-ibang lugar na naapektuhan ng malakas na ulan at pagbabahang dulot ng habagat.
QCitizens, ipagpatuloy natin ang pagtutulungan para mapanatiling malinis ang ating mga komunidad.
Sa simpleng paraan, maaari mong mapangalagaan ang ating kapaligiran:
Huwag magtapon ng mga basura sa mga kanal at daluyan ng tubig para maiwasan ang pagbabara na nagiging sanhi ng matinding baha.
Ugaliing magbukod at magtapon ng inyong mga basura sa tamang tapunan.
Makipag-ugnayan sa inyong mga barangay o sa DSQC kung may mga basurang hindi nakolekta o kung may reklamo ng illegal dumping sa inyong lugar.
Maaari ring tumawag sa QC Helpline 122.
DSQC Office: 6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D), Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage
Facebook (https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage)










