Muling nag-ikot ang Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) sa mga kalsada ng Brgy. Roxas para linisin ang mga naipong basura matapos ang pananalasa ng Habagat at Bagyong Carina.
Patuloy ding sinusuyod ng DSQC ang iba pang bahagi ng lungsod para masigurong wala nang bakas ng baha at basura ang mga kalsada at sidewalk.