Nagsagawa ng clearing at cleaning operations ang Quezon City Government sa pangunguna ng Department of Engineering sa bahagi ng Commonwealth Avenue kanto ng Don Antonio Drive, malapit sa MRT-7 Batasan Station.
Tinanggal ang mga buhangin at semento na napunta sa kalsada, na galing sa mga gawaing konstruksyon sa paligid. Ang mga naipong materyales ay nagdulot ng pag-ipon ng tubig tuwing umuulan at naging panganib sa mga motorista.
Patuloy ang mga hakbang ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan, at bilang bahagi rin ng mga inisyatibo para sa flood mitigation lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.




