Para maiwasan ang aksidente sa kalsada, inaspaltuhan ang mga lubak sa Mindanao Avenue sa Novaliches. Ito’y matapos magpadala ng mensahe ang isang concerned citizen sa QC Government Facebook page.
Magkatuwang na umaksyon ang District 5 Action Office, sa pangunguna ni Action Officer William Bawag, at QC Engineering Department.