Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng clearing operation ang Pamahalaang Lungsod upang alisin ang isang bahay na nakatayo sa culiat creek sa Barangay Vasra.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maalis ang mga ilegal na istruktura na nakatayo sa mga creek, na nagiging sanhi ng pagbabara sa daluyan ng tubig at nagdudulot tuloy ng pagbaha.
Pinangunahan ng District 1 Action Office, sa pamumuno ni AO Ollie Belmonte, ang clearing operation katuwang ang QC Engineering Department at Task Force on Control, Prevention, and Removal of Illegal Structures and Squatting (COPRISS).
Inalalayan naman ni Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Atty. Jojo Conejero ang mga apektadong residente para sa voluntary relocation.










