Pinutol na ang ilang patay na puno sa Camia St. sa Barangay Pasong Putik para matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng nakatira sa lugar, partikular ang mga batang QCitizen.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng District 5 Action Office, sa pamumuno ni Action Officer William Bawag, katuwang ang Parks Development and Administration Department, at QC Engineering Department.