Nagsagawa ang Task Force for Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, Philippine National Police, at District 4 Action Office staff sa pangunguna ni Ginoong Alberto “Al” Flores, ng clearing operation sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Barangay Damayang Lagi. Ito ay bunsod ng reklamo ng isang concerned QCitizen sa Quezon City Government FB page.
Binigyan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ang mga nahuling motorsiklo at kotseng nakaharang sa kahabaan ng daanan.
Inaksyunan naman ng Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC), sa pangunguna ni DSQC OIC Richard Santuile, ang reklamo ng concerned QCitizen sa QC Gov’t FB page tungkol sa mga nakatambak na lupa malapit sa poste ng Meralco sa Barangay Sauyo.

















