Nagsagawa ng clearing works sa creek malapit sa Riverside Extension, Brgy. Commonwealth ang Quezon City Government sa pangunguna ng Department of Engineering. Naghakot ng mga sludge at iba pang debris na nakahahadlang sa daloy ng tubig.
Bahagi ito ng iba’t ibang mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang maiwasan ang pagbaha bunsod ng inaasahang pag-ulan na dala ng bagyong #UwanPH.








