Nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng QC Traffic and Transport Management Department, sa pangunguna ni District 5 Action Officer William Bawag, sa Pasacola Street sa Brgy. Nagkaisang Nayon.
Ito’y matapos magpadala ng reklamo sa Quezon City Government Facebook page ang isang concerned citizen kaugnay sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa nasabing lugar.
Binigyan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ang mga nahuling nakaparada sa kahabaan ng kalsada.