Nagsagawa ng clearing operations ang Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC), katuwang ang Quezon City Department of Engineering (QCDE) noong Agosto 18, 2025 sa Barangay Bagong Silangan.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na tugon ng lokal na pamahalaan sa landslide na naganap dulot ng habagat noong Hulyo 25, 2025.
Patuloy ang pagkilos at pagtutulungan ng iba-ibang ahensya ng lokal na pamahalaan upang ganap na maibalik ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.
Para sa mga concern at request sa clean-up o paghakot ng basura, maaaring makipag-ugnayan sa DSQC:
6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D), Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage








