Nag-ikot ang Parks Development and Administration Department (PDAD) sa ilang bahagi ng lungsod upang putulin at bawasan ang sanga ng ilang puno lalo na yung mga nakahilig o tumagilid na. Ito ay para maiwasan ang sakuna sa oras na lumakas ang hangin at ulan.
Inalis din nila ang ilang nabuwal na puno dahil sa hagupit ng habagat.
Kabilang sa mga pinuntahan ng PDAD ay ang Quezon City Science High School sa Brgy. Bago Bantay, Brgy. Nagkaisang Nayon, Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Bagong Silangan, at Quirino 2C.
Tumawag lamang sa QC Helpline 122 para agad mai-report sa kinauukulan ang anumang insidente ng pagbagsak o pagtumba ng mga puno sa inyong lugar.




