Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na inaksyunan ng Quezon City Parks Development and Administration Department (PDAD) ang mga naiulat na natumbang mga puno sa ilang barangay sa lungsod ngayong araw.
Pinutulan at binawasan din ng mga sanga ang ilang puno para maiwasan ang sakuna kapag malakas ang hangin at ulan.
Kabilang sa mga inikot ng PDAD ang Brgy. Gulod, Brgy. U.P. Campus, Brgy. Teacher’s Village West, at Brgy. Quirino 2A.
Tumawag lamang sa QC Helpline 122 para agad mai-report sa kinauukulan ang anumang insidente ng pagbagsak o pagtumba ng mga poste o puno sa inyong lugar.










