Patuloy ang Quezon City Government, katuwang ang Department of Engineering (QCDE), Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC), at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan.
Ngayong araw, nagtulungan ang lahat ng District Action Offices sa pagsasaayos sa kahabaan ng Commonwealth Avenue upang matiyak ang kaayusan ng mga lansangan at ang kaligtasan ng bawat QCitizen.
Narito ang mga aktibidad na isinagawa sa Commonwealth Avenue:
– Clearing works sa mga PUV stops
– Clearing works mula Philcoa Area hanggang MRT -7 Tandang Sora Station
– Grass cutting sa kahabaan ng Elliptical Road near Commonwealth entrance
– Installation ng mga inlet sa Commonwealth corner Masaya St.
– Clearing works sa Litex
– Clearing works sa MRT-7 Batasan Station
– Clearing works sa corner ng Batasan Road
– Installation ng safety barricades sa corner ng Don Antonio St.
– Clearing works sa MRT – 7 Don Antonio Station
– Clearing works sa kahabaan ng IBP Road
Bahagi ito ng patuloy na inisyatibo ng lokal na pamahalaan upang mabilis na maisaayos ang mga pangunahing kalsada at mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa lungsod.
Gayundin ang kaligtasan ng mga motorista at QCitizens sa gitna ng pabagu-bagong lagay ng panahon.








