Sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon #UwanPH, hindi tumigil ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maibsan ang epekto ng pagbaha sa lungsod. Tuloy-tuloy ang clearing operations upang matiyak ang kaligtasan ng mga QCitizen at ang maayos na daloy ng tubig at trapiko sa mga lansangan.
Narito ang clearing operations na isinagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng district maintenance teams:
District 1
– Clearing ng inlets sa NS Amoranto, Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo/Brgy. Siena
– Clearing ng inlets sa A. Bonifacio corner Sgt. Rivera, Brgy. Pag-ibig sa Nayon/San Jose
– De-clogging works sa Road 14, Brgy. Bahay Toro
District 2
– Clearing ng collapsed wall sa Kagawad Road corner San Mateo Batasan Road, Brgy. Batasan Hills
District 3
– Clearing ng fallen tree sa Ipil St., Brgy. Duyan Duyan
District 4
– Clearing ng inlets sa Elliptical Road, Brgy. Central
– Clearing ng inlets sa G. Araneta corner Victory, Brgy. Tatalon
– Clearing ng inlets sa Anonas corner V. Luna, Brgy. Sikatuna
– Clearing works sa Ermin Garcia Health Center, Brgy. E-Rodriguez
District 5
– Clearing ng fallen tree sa Goldman St., Brgy. Fairview
– Clearing ng inlets sa Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan
– Clearing ng drainage canal sa Sitio Ruby St., Brgy. Fairview
District 6
– Clearing ng fallen sign board post sa Congressional Avenue, Brgy. Project 8
Inaasahang magpapatuloy ang clearing at disaster response operations sa mga susunod na araw bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng lungsod na mapanatiling ligtas, at maayos ang ating mga komunidad.








